Atong Ang, nilinaw ang totoong relasyon kina Claudine, Gretchen, at Nicole Barretto

17777

Naglabas ng pahayag ang kilalang negosyante na si Charlie ‘Atong’ Ang tungkol sa  akusasyong nakipag-relasyon siya sa magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto, pati na din sa pamangkin nilang si Nicole.

Sa ipinadalang mensahe ni Ang kay Henry Omaga-Diaz, batikang mamamahayag ng ABS-CBN, nilinaw niya kung anong kaugnayan sa tatlong Barretto.


Ayon kay Ang, hindi niya naging nobya si Nicole. Inaasikaso lamang ng nakababatang Barretto ang flight schedule niya at mga nakalinyang pagpupulong noon.

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.”

“Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon. Si Nicole, pinag-aral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin yung nanay niya.”

Kasunod na kaniyang ipinaliwanag ang totoong estado nila ni Gretchen.

Paglilinaw ng businessman, kasosyo niya sa sabong at casino ang nakatatandang Barretto at “common-in-law” husband nitong si Tony Boy Cojuangco.

“May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko,” pahayag ni Ang.

Problem solver naman ang naging papel ni Atong sa buhay ni Claudine.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –’yun lang ang naging relasyon namin,” saad ng gambling tycoon.

Facebook Comments

From Advertisers