Kahit nagpapahinga simula pa noong Marso, balik bilang world number 1 sa ATP Rankings si Roger Federer.
Natalo kasi sa quarterfinals si dating number 1 Rafael Nadal sa Madrid Masters kaya umangat si Federer.
Dahil dito si Federer ulit ang pinakamatandang player na tinanghal na pinakamagaling na tennis player sa buong mundo.
Umangat naman sa number 3 si Alexander Zverev matapos magkampeon sa Madrid.
Bumagsak naman sa ika-18 puwesto si dating world number 1, Novak Djokovic. Ito na ang pinakamababang ranggo ni Nole mula pa noong October 2006.
Facebook Comments