Hindi na gagawin ang mga tradisyunal na prusisyon ngayong paparating na Holy Week.
Ito ang kinumpirma ni Fr. Jerome Secillano, Spokesperson ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) kasunod na rin ng banta ng COVID-19 pandemic.
Sa Quezon City, sinuspendi na ng dioceses ng Cubao at Novaliches ang pagbabasbas ng palaspas sa Palm Sunday at pagsalubong sa muling pagkabuhay ng Panginoon sa Easter Sunday.
Hindi na rin muna papayagan ang tradisyunal na pabasa at penitensiya.
Habang sa lungsod naman ng Maynila, suspendido na rin ang mga aktibidad sa darating na Semana Santa.
Kabilang dito ang penitensiya, pagbubuhat ng cross, at Visita Iglesia.
Una nang nagkansela ng “Alay Lakad” ang Diocese of Antipolo ngayong Semana Santa.
Facebook Comments