ATRAS-ABANTE | Tigil-pasada ng PISTON bukas, pag-iisipan pa kung itutuloy

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng PISTON kung ipagpapatuloy ang dalawang araw na tigil-pasada na sisimulan bukas hanggang Martes.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo ikinukunsidera nila ang apela ni Senador Grace Poe na huwag ituloy ang tigil-pasada.
Maglalabas ng desisyon ang PISTON ngayong araw kung itutuloy ang transport strike.
Kasabay nito, dahil sa inaasahang transport strike nagdeklara na ng walang pasok sa mga sumusunod na lugar:
*All levels (public at private)*
Albay
Guagua, Pampanga
Camarines Sur

Facebook Comments