Attack helicopter ng Air Force, bumagsak sa Bohol

UPDATE

Isang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak sa baybayin ng Getafe, Bohol.

Ito ang kinumpirma ni Air Force Spokesperson Lt.Col. Maynard Mariano, aniya, nangyari ang aksidente dakong alas-9:30 kaninang umaga.

Galing sa Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu ang MD520MG attack helicopter para sa isang maintenance flight nang bumagsak ito.


Inaalam pa ngayon ni Mariano kung may nasawi o nasugatan sa nangyaring aksidente, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments