Atty. Angel Cabatbat, naghain ng COC sa pagkakongresista ng Nueva Ecija

Naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Atty. Argel Cabatbat bilang kongresista ng unang distrito ng Nueva Ecija nitong Martes, Oktubre 8.

Si Cabatbat ay dating kinatawan ng Magsasaka Party-list. Siya ay tubong Guimba, Nueva Ecija.

Patuloy na isusulong ni Cabatbat ang karapatan ng mga magsasaka para matiyak na mapapabuti ang kanilang kabuhayan.


“Bukod sa titiyakin natin ang kapakanan ng mga nasa distrito uno, isusulong at ipaglalaban din natin ang karapatan ng mga magsasaka upang mapaunlad ang kanilang buhay at pamumuhay,” aniya ni Cabatbat.

Naniniwala si Cabatbat na dapat marinig ang boses ng publiko sa Kamara at ibigay ang kanilang pangangailangan.

“Dapat ang publiko ang masunod at hindi ang politiko.”

Facebook Comments