Atty. Anthony Abad, ang pangalan na nakalagay sa form para sa People’s Initiative, itinanggi na kabilang siya sa grupong PIRMA

Itinanggi ni Atty. Anthony Abad na kabilang siya sa People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) taliwas sa unang claim ni Noel Oñate na tumatayong lead convenor ng PIRMA.

Kung matatandaan, ang pangalan ni Abad ang nakalagay sa form sheets na pinapaikot at pinapapirma sa mga tao para sa People’s Initiative.

Sa pagharap ni Abad sa pagdinig ng Senado, iginiit nito na hindi siya miyembro ng PIRMA, organically o organizationally kundi advisor o tagapayo lamang siya sa petisyon para sa constitutional reform.


Boluntaryo rin aniya ang kanyang pagiging tagapayo sa PIRMA at aminadong sinusuportahan niya at isinusulong noon pa ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sa tanong naman kung bakit pangalan nito ang nakalagay sa form sheet para sa People’s Initiative at hindi ang ibang mga miyembro, tugon ni Abad dahil alphabetically ay nagkataon lamang na pangalan niya ang nauna at sumunod na nakalagay ay ‘et al’ o iyong iba pa.

Samantala, sorry na lamang ang nasabi ni Abad sa mga taong maghahanap at sisingilin siya sa claim stub na ibinigay sa mga lumagda para sa People’s Initiative.

Facebook Comments