Inihain ng Magsasaka Party-list group ang listahan ng mga nominado sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules matapos magdesisyon ang grupo na ang una nilang nominee ay si Atty. Argel Cabatbat, na nagsasabing siya ang nararapat na kumatawan sa kanila sa House of Representatives.
Pinangunahan ni Cabatbat, chairman ng Magsasaka Party-list ang pagsusumite ng listahan. Kasama niya sina Mario Palacay at Reynaldo Dela Peña, mga miyembro ng Council of Leaders.
Ginawa ng grupo ang hakbang matapos magdesisyon ang Korte Suprema na valid ang pagaalis kay Soliman Villamin Jr. bilang National Chairperson si. Sinabi ng Korrte na hindi maaaring ituring na kinatawan ng Magsasaka Partylist si Villamin Jr., respondent, dahil tinanggal na siya bilang National Chairperson ng Magsasaka.
Kabilang sa listahan ng nominee na isinumite ng grupo ang mga sumusunod:
1. Argel Joseph Cabatbat (Representative of Magsasaka Partylist, 18th Congress, Farmers’ Lawyer)
2. Ariel T. Cayanan (former DA Usec)
3. Dante A. Lazatin (Regional Manager, Irrigators Association, Upper Pampanga River Integrated Irrigation System, also a farmer)
4. Rafael Naral (Former Mayor, Anao, Tarlac, also a farmer)
5. Reynaldo Dela Peña (farmer-leader, President, Farmers Association, Orion, Bataan)
6. Dennis Zuñiga (Chairman, Provincial Agriculture and Fisheries Council, Aurora Province) 7. Mario Palacay (farmer, former Chairman, Municipal Agricultural and Fisheries Council, Floridablanca, Pampanga)
8. George G. Cabatbat (farmer, former Councilor, Guimba, Nueva Ecija
9. Mark Joseph T. Cabatbat (Certified Public Accountant, co-founder, Magsasaka Outlet)
10. Marx Josef Mission (Partylist National Coordinator)
Nauna rito, nagsagawa ng special general assembly at victory party ang Magsasaka Party-list na dinaluhan ng 7,996 delegado mula sa Region 3. Sila ay mula sa Nueva Ecija, Bataan, Zambales, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Aurora.
Binigyang-diin ni Cabatbat na ang Magsasaka Partylist ay tunay na kumakatawan sa interes ng mga Pilipinong magsasaka.
“Ang may ari ng Magsasaka Partylist ay ang mga magsasaka. Kayo ang dapat masunod. Kayo ang dapat pakinggan. Nasa inyo ang desisyon kung sino ang gusto ninyong mamuno. Hindi tayo katulad ng ibang partylist na pagmamay ari ng iilan lamang,” aniya ni Cabatbat.
“Ang pagkapanalo sa Supreme Court ay pagkapanalo ng mga magsasaka, pagkapanalo ninyo”.