Atty. Brian hosaka, mananatiling Supreme Court spokesman

30

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka na mananatili siyang tagapagsalita ng Korte Suprema.

Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni bagong Chief Justice (CJ) Alexander Gesmundo.


Ayon kay Hosaka, isang karangalan ang pagpapanatili sa kanya ni CJ Gesmundo bilang spokesman ng Kataas-taasang Hukuman.

Si Hosaka ay nagsilbi ring tagapagsalita ng Supreme Court sa ilalim ng pamumuno nina dating Chief Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta.

Facebook Comments