
Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio ang gagawing pag-aresto sa Lunes, January 5, sa NAIA Terminal 3 kay retired General Romeo Poquiz.
Ayon kay Topacio, may kaugnayan ang pag-aresto sa mga kasong rebellion at sedition na iniuugnay sa mga naging pahayag at pagpuna ni Poquiz laban sa kasalukuyang administrasyon.
Sa abiso ni Topacio sa media, alas-otso ng umaga aarestuhin si Poquiz sa NAIA 3.
Mula sa paliparan, dadalhin umano si Poquiz sa Camp Karingal, at pagkatapos ay ihaharap sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77 para sa paghahain ng piyansa.
Si Poquiz ang pinuno ng United People’s Initiative, kung saan kasapi rin si Atty. Topacio.
Facebook Comments










