Atty. Ferdinand Topacio, naghain ng reklamo sa Muntinlupa Court laban kina dating Sen. Leila de Lima dahil umano sa pambu-bully sa mga huwes na humahawak sa kanyang kaso

Dapat na umanong tigilan ng kampo nina Senator Leila De Lima ang pagpapalabas ng mga komento at impormasyon kaugnay sa nakabinbin pa nitong kaso.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang dating chief legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na nanguna sa paghahain ng reklamong indirect contempt, malinaw ang direktiba ng korte na sundin ang sub-judice rule o ang hindi paglalabas ng impormasyon habang dinidinig pa ang mga kaso.

Nag-ugat ang reklamo na inihain ng grupo ni Topacio kabilang na ang Citizens Crime Watch (CCW) sa facebook post ni Senator De Lima kaugnay ng kanyang natitirang kaso na unbailable.


Samantala, Nanindigan si Topacio na ang aksiyon ng dating Senadora ay hindi naayon sa sub- judice rule, dagdag pa niya ang umano’y pambu-bully at pangingialam nina Senator Risa Hontiveros, Representative Edcel Lagman na respondent din sa kaso sa naturang isyu lalo na’t sila ay mga mambabatas na hindi na dapat nakikialam. Pakinggan natin ang pahayag ni dating Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chief Legal Counsel Ferdinand Topacio, sa panayam ng DZXL Radio Mindanao Network (RMN) Manila

Sa ngayon, wala pang tugon ang kampo ng Senadora sa reklamong inihain ng Citizens Crime Watch (CCW) and Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Facebook Comments