Atty. Gadon, dapat humingi ng paumanhin sa pamilya Aquino- Gordon

Kinondena ni Senator Richard Gordon ang sinabi ni Atty. Larry Gadon sa isang programa sa radyo na may HIV si dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Diin ni Gordon, napakasama at napakamalisyoso ng sinabi ni Gadon kaya dapat itong humingi ng tawad sa pamilya Aquino.

Giit pa ni Gordon, ang pananalita ni Atty. Gadon ay walang puwang sa ating kultura at sa mass media.


Dahil dito ay sinabi ni Gordon na nararapat disiplinahin at patawan ng kaukulang parusa si Gadon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).

Facebook Comments