Atty. Harry Roque, hinamon ng isang kongresista na magpakatotoo

Hinamon ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na magpakatotoo at aminin ang kanyang kaugnayan sa dalawang Chinese nationals na naaresto sa isang bahay sa Tuba, Benguet na kasama siya sa nagmamay-ari.

Giit ni Chua, bilang dating opisyal ng gobyerno ay dapat maging honest o tapat si Roque.

Mensahe ito ni Chua kay Roque makaraang maaresto dahil sa paglabag sa visa ang dalawang dayuhan na iniuugnay sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.


Facebook Comments