Atty. Harry Roque, hindi pa tatantanan ng House Quad Committee

Nakalabas man ng bansa pero hindi matatakasan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang House Quad Committee.

Sinabi ito ni House Quad Comm overall Chairperson at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa ika-13 pagdinig ngayon ukol sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Barbers, nananatili ang contempt citation at arrest order ng Kamara laban kay Roque.


Magugunitang idinulog ito ni Roque sa Korte Suprema at humirit ng “writ of amparo” pero hindi sya pinagbigyan ng Kataas-taasang Hukuman.

Binanggit ni Barbers na nadiskubre ng Quad Comm ang pagkakasangkot ni Roque sa Lucky South 99, ang POGO na sa Porac, Pampanga na sangkot sa iba’t ibang illegal activities.

Sabi ni Barbers, lumabas din sa pagdinig ng Quad Comm na si Roque ang legal counsel ng Lucky South 99 na nakipagpulong kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco kasama si Cassandra Ong.

Binanggit pa ni Barbers na kahina-hinala rin ang paglobo ng kita ni Roque mula 2016 na umabot sa ₱125 million pesos noong 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Facebook Comments