Hinimok ng Department of Justice (DOJ) si Atty. Harry Roque na makipag-ugnayan sa kagawaran patungkol sa isiniwalat na impormasyon na nasa Pilipinas na ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa drug war.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, hindi pa sila nagkakausap ni Roque hinggil dito pero kung may hawak na impormasyon si Roque patungkol sa ICC investigators na nandito na sa Pilipinas ay dapat aniyang mag-reach out ito sa DOJ.
Wala pa rin naman aniyang natatanggap na impormasyon ang DOJ tungkol sa kaso.
Paniwala naman ni Clavano, maaaring kulang pa ang impormasyon na hawak ni Atty. Roque at nagsasagawa pa rin ng verifications.
Gayunpaman, sinabi ni Clavano na hindi naman isyu kung nasa bansa o wala pa sa Pilipinas ang ICC probers.
Tinutukan aniya ngayon ng DOJ ang hustisya na dapat makamit matapos ang drug war at pinalalakas ang case build up laban sa mga inirereklamong sangkot sa drug war.