Atty. Harry Roque, hinimok ng DOJ na harapin na ang mga kaso sa Pilipinas

Hindi nakakaranas ng political persecution si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Ito ang nilinaw ng Department of Justice (DOJ) sa gitna ng napapabalitang pagpapakansela ng passport at paglalagay kay Roque sa Interpol Red Notice para agad maaresto.

Ayon kay DOJ Spokesperon Atty. Polo Martinez, hindi pasok sa principle of non-refoulement sa ilalim ng international human rights law ang dahilan ni Roque.

Sinabi kasi ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya maaaring piliting makabalik ng Pilipinas lalo’t kasalukuyan siyang humihiling ng asylum.

Pero sabi ni Martinez, walang nangyayaring panggigipit kay Roque at kailangan lang niyang harapin ang kaso.

Binibigyan din daw nila ng pagkakataon si Roque na ipagtanggol ang sarili mula sa mga akusasyon.

Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na Lucky South 99 sa Pampanga.

Facebook Comments