Atty. Harry Roque, mahaharap sa mas mabigat na parusa kung muling magsisinungaling sa imbestigasyon ng quad committee

Natapos na kahapon ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang 24 oras na pagkakulong sa detention facility ng House of Representatives matapos siyang i-contempt ng quad committee dahil sa pagsisinungaling.

Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, overall chairman ng quad committee, handa ang komite na patawan ng mas mabigat na parusa si Roque kung muli itong gagawa ng contemptible act.

Inihalimbawa ni Barbers ang napatunayan ng quad committee na walang hearing si Roque na dinaluhan sa Manila Regional Trial Court, na kanyang idinahilan sa hindi pagdalo sa unang pagdinig sa Bacolor, Pampanga noong Agosto 16.


Idinepensa ni Barbers ang hakbang ng quad committee laban kay Roque kahit humingi na ito ng paumanhin at nagpaliwanag na nalito siya sa petsa ng hearing kaya hindi nakadalo.

Giit ni Barbers, mahalagang ang pagiging patas at consistency sa kanilang mga aksyon dahil kung hindi ay baka hindi na sila paniwalaan ng mamamayan.

Samantala, ngayon naman ay ginaganap naman ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o PBSF dito sa lalawigan ng Batangas.

Facebook Comments