Manila, Philippines – Obligado pa rin si Atty. Harry Roque na magsumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa kabila ng kanyang pag-atras sa senatorial race.
Inihayag ito ni COMELEC Spokesman Jamez Jimenez sa kabila ng pagwithdraw ni Roque sa kanyang kandidatura dahil sa problema sa kalusugan.
Samantala, sinabi ni Jimenez na nababahala ang poll body na baka wala silang maipambayad sa mga guro at support staff na maglilingkod para sa halalan sa Mayo.
Aniya, kung maipapasa ang reenacted budget, magkakaroon ito ng seryosong epekto sa Eleksyon.
Kulang kasi ang P1.9 Billion na nakalaan sa kanila sa ilalim ng National Expenditure Program.
Dahil dito, hihilingin aniya nila sa Kongreso na gawing P3.2 Billion ang pondo para sa kanila para mabayaran ang honoraria ng mga guro at support staff na tatayong electoral board sa Mayo.