Atty. Larry Gadon, naghain ng COC sa pagkasenador

Maagang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkasenador si Atty. Larry Gadon.

Si Gadon ay tumatakbo sa ilalim ng KBL o Kilusang Bagong Lipunan.

Sa kaniyang speech, inupakan ni Gadon ang 1987 constitution na ipinasa noong Cory Aquino admin na aniya’y nagbibigay proteksyon sa malalaking negosyante ay siya namang nagpapahirap lalo sa mga Pilipino.


Isang independent senatoriable naman na si Samuel Hardin ang maaga ring naghain ng COC.

Sa hanay ng partylists, maaga ring naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang TGP, GPII, CWS mula sa sektor ng construction workers, Igorot Warriors, Barkadahan Partylist at Akma PTM Partylist,

Facebook Comments