Atty. Larry gadon, naghain ng petsiyon sa Korte Suprema kontra sa provisional authority sa prangkisa ng ABS-CBN

Naghain ng petsiyon sa korte suprema si Atty. Larry Gadon para pigilan ang paggagawad ng provisional authority sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Sa 20 pahinang petition for prohibition with prayer for the issuance of temporary restraining order, hiniling ni gadon sa Supreme Court na atasan sina House Speaker Allan Peter Cayetano at Representative Franz Alvarez na bawiin ang pinadalang liham na nag-aatas sa National Telecommunications Commission (NTC) na gawaran ng provisional authority ang prangkisa ng nasabing TV network.

Iginiit ni Gadon ang umiiral na prinsipyo ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng tatlong sangay ng gobyerno at hindi maaaring masapawan ang bawat isa.


Aniya, kung nag-expire na ang prangkisa, wala na dapat itong maging bisa at kinakailangan na lang muling mag-apply para dito.

Hindi anya siya papayag na mabigyan ng special treatment ang sinuman at basta na lang palalawigin ang prangkisa.

Bukod kay Atty. Gadon, kasama rin sa naghain ng petsiyon si Al Vitangcol.

Facebook Comments