Atty. Larry Gadon, tinawag na statement o expression ang naging paraan niya ng pagsusuot ng facemask

Tinawanan lamang ni Atty. Larry Gadon ang mga pumuna sa mali niyang pagsusuot ng face mask.

Sa isang statement, sinabi ni Gadon na sinadya niyang isuot ng ganoon ang face mask bilang statament o expression.

Ito’y upang ipakita na hindi siya naniniwala na ang pagsusuot ng facemask sa labas ng bahay ay kasiguraduhan na hindi tatamaan ng virus ang tao.


Mainam lamang aniya itong isuot sa mga small enclosed places tulad sa loob ng elevators o small conference rooms.

Paniwala niya, ang facemask ay nauso dahil walang pinapapasok sa loob ng mga convinient stores kung walang facemask.

Kung tunay aniyang epektibong pananggalang ang facemask, bakit aniya sumipa sa 100,000 ang tinamaan ng virus at umabot sa mahigit dalawang libo ang nasawi.

Sa halip aniya na matakot, mahalaga na panatilihing malusog ang katawan o mapalakas ang immune system.

Facebook Comments