Atty. Lopez, maayos ang kondisyon at normal lahat ang vital signs ng makarating sa VMMC

Nagtataka si House Sergeant-At-Arms Napoleon Taas kung bakit kinailangan na dalahin pa sa st lukes medical center si Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.

Mula sa detention facility ng Kamara ay unang dinala si Lopez sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon kay Taas, base sa report ng doktor ng Philippine National Police (PNP) ay maayos ang kondisyon at normal ang lahat ng vital signs ni Lopez ng sya ay nasa VMMC.


Si Lopez ay dinala sa ospital para sa medical check-up sa harap ng kautusan ng House Committee on Good Government and Public Accountability kanilang madaling-araw na ilipat na sya sa Women’s Correctional Facility sa Mandaluyong City.

Facebook Comments