Atty. Mendoza, hindi tatanggap ng ‘cheap ‘ na kliyente ayon kay Senador Gordon

3094

Minaliit ni Senate Blue Ribbon Chairman Richard Gordon ang pagpapasaklolo ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa kilalang abogado na si Atty. Estelito Mendoza

Sa Saturday forum sa QC, sinabi ni Gordon na naniniwala siya na hindi basta-basta tatanggapin ni Mendoza ang pagkuha sa kaniya ni Albayalde  bilang abogado.


Giit pa ni Gordon, nasabi na niya sa pangulo na matibay ang mga ebidensyang nagdidiin kay Albayalde sa isyu ng mga Ninja Cops batay na rin sa testimoniyo ng mga Police General na nagsalita sa pagdinig ng Senado.

Tiwala si Gordon na hindi tatanggap ang abogado ng isang cheap na kliyente lalo na kung alam nitong malakas ang kaso laban sa inaakusahan.

Facebook Comments

From Advertisers