Atty. Michael Poa, hindi na konektado sa OVP

Kinumpirma ni Atty. Michael Poa na hindi na sya konektado sa Office of the Vice President o OVP.

Ayon kay Poa, ang kanyang consultancy contract sa OVP ay terminated o tapos na.

Sinabi ito ni Poa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ukol sa questionable na paggamit ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na may kabuuang halaga na P612.5-M.


Nagsilbi rin si Poa bilang dating Undersecretary at tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.

Facebook Comments