Itinalagang bilang Officer in Charge ng Department of Education ng Autonomous Region in Muslim Mindanao si Atty. Rasol Mitmug Jr .
Itoy matapos magbitiw sa kanyang pwesto ang dating magaling na kalihim ng kagawaran na si Dr. John Magno bago magtapos ang 2017.
Mismong si ARMM Governor Mujiv Hataman ang pumili kay Atty. Mitmug na pamunuan ang binakanteng pwesto ni Dr. Magno.
Magsisimula sa kanyang bagong responsibilidad bilang bagong kalihim ng Dep Ed ARMM si Atty. Mitmug sa January 9, 2018 base sa Memo na inilabas at may lagda ni Gov. Hataman.
Si . Atty Mitmug ay kasalukuyang Chief of Staff ng ARMM Government at kilalang Human Rigths at Peace Advocate. Nagsilbi rin ito bilang Speaker ng RLA ARMM at Deputy Executive Secretary.
FB Pic
Atty. Mitmug bagong kalihim ng DEPED ARMM
Facebook Comments