Atty. Neri Colmenares, Personal na nakiramay sa pamilya ni Randy Malayao!

Cauayan City, Isabela – Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Atty. Neri Colmenares ng Makabayan sa pamilya ng napatay na si NDFP Consultant Randy Malayao sa San Pablo, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Atty. Colmenares, kanyang sinabi na isang matalinong tao at mapaglingkod sa bayan ang kaibigan na si Malayao.

Aniya, isa sa kinikilalang tao sa Pilipinas si Malayao na nagpakita ng prinsipyo at nanindigan para sa kapayapaan bilang kanyang adbokasiya na makamit ang tunay na kapayapaan sa bansa.


Samantala, hindi naman pinaniniwalaan ni Atty. Colmenares ang lumalabas na imbestigasyon ng mga pulis na umano’y maaring dating kasamahang NPA ang pumaslang kay Malayao.

Mas naniniwala ito na kasapi rin ng mga alagad ng batas ang pumatay kay Malayao.

Hindi rin aniya makatarungan na magbinbintang sa iba kung walang pruweba.

Umaasa naman ito na malulutas sa lalong madaling panahon ang kaso sa pamamaslang kay Malayao upang mabigyan na ito ng hustisya.

Facebook Comments