
Simula ngayong araw ay mayroon ng tagapagsalita ang House of Representatives at ito ay si Atty. Princess Abante na dating tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna at anak din sya ni Manila 6th District Rep. Benny Abante.
Si Atty. Princess ay inaasahang magbibigay ng mga opisyal na pahayag mula sa Liderato ng Kamara patungkol sa iba’t ibang isyu gayundin ang pagbabahagi ng update ng mga kaganapan sa Mababang Kapulungan at impormasyon mula sa iba’t ibang mga komite.
Ayon kay Abante, layunin ng pagtalaga sa kanya bilang tagapagsalita na mapalakas ang komunikasyon ng Kamara sa mamamayan.
Sa pamamagitan ito ng paglalabas ng tama at makatotohanang impormasyon upang malabanan ang fake news at maging maayos ang pagpapaliwanag sa mga polisiyang binabalangkas ng kongreso.









