ATTY. RAMOS KILLING | Pagiging lulong sa sugal, isa sa tinitingnang motibo ng PNP

Isa sa tinitingnang motibo ngayon ng Philippine National Police sa pagpatay kay Atty. Benjamin Ramos ang Founding member ng National Union of People’s Lawyers ay dahil sa pagkakalulong umano nito sa sugal.

Pero ayon kay PNP Region 6 Regional Director Police Chief Supt John Bulalacao hindi na muna nila idedetalye ang mga impormasyon kanilang nakalapp kaugnay sa pagkakakulong nito sa sugal.

Bukod sa pagkakalulong sa sugal, tinitingnan rin nila na kung may kinalaman sa kanyang pagiging Abogado ang pagpatay dito.


Sa nakuha aniya nilang impormasyon si atty ramos ay nagbibigay ng legal assistance sa mga magsasaka na sangkot sa mga nang-aagaw ng mga lupain sa lugar.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen habang tiniyak rin ng Pamunuan ng PNP region 6 na sa lalong madaling panahon ay matutukoy at maaresto ang salarin sa pagpatay.

Si atty ramos ay pinagbabaril nitong Martes sa Brgy 5 Kabankalan City Negros Occidental nang hindi pa nakikilang mga suspek.

Facebook Comments