Atty. Romulo Macalintal aminadong nagkulang sa Media Mileage kaya natalo sa nakaraang halalan

Maluwag sa kalooban na tinatanggap ni Atty. Romulo Macalintal,  kilalang election lawyer at independienteng kandidato sa pagkasenador  ang pagkatalo sa senatorial election noong Lunes, Mayo 13.

Sa Kapihan sa Manila Bay, inamin ni Macalintal, isa sa mga inampon ng grupong Otso Diretso, na malaki ang kakulangan nila sa Media Mileage lalo na at ang kilala lamang sa kanila ay sina dating Trade and Industry Secretary Mar Roxas at Senator Bam  Aquino.

Umaasa aniya sana sila sa Media debate na inorganisa ng mga Media Network na maaari nilang gamiting behikulo upang maiparating sa 61 Milyong botante ang kanilang mga plataporma at system of governance na maaaring magbukas ng kanilang mga isip ngunit hindi naman sumipot ang kanilang mga kalaban.


Dagdag pa ni Macalintal hindi rin naging malinis ang halalan lalo na at talamak ang pamimili o pagbebenta ng boto at may nagaganap din na paghahasik ng takot o terorismo.

Sa kabila nito, inihayag ni Macalintal ang hindi matatawarang malaking kumpiyansa  sa Automated Election na aniya ay hindi maaaring dayain ninuman lalo na at binabasa lamang ng makina ay ang mga balotang isinusubo na hindi batid ng sistema kung pre-shaded ang mga balota o hindi.

Ang mga ganitong insidente aniya ang dapat na imbestigahan ng mga otoridad upang mapanagot at maparusahan ang mga may-kagagawan.

Facebook Comments