Monday, February 23, 2026

Atty. Roque, hinamon ng NBI na umuwi na ng Pilipinas

Umuwi na ng Pilipinas at harapin ang mga kaso.

Ito ang hamon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na mahigit isang taon nang hindi umuuwi sa Pilipinas.

Sa ambush interview nang bumisita sa Department of Justice (DOJ), hinamon ni NBI Director Melvin Matibag si Roque na harapin na ang mga kaso nito.

Bago niyan, binuweltahan ni Roque ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Matibag at sinabing premyo raw ito sa pagsasampa ng disbarment case laban sa kaniya.

Samantala, sinabi pa ni Matibag na isa sa tututukan nila ngayon ang pagsugpo sa paglaganap ng fake news.

Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking dahil sa pagkakaugnay nito sa sinalakay na iligal na POGO hub.

Facebook Comments