ATTY. SHEENA TAN, IGINIIT NA PAGMAMAY-ARI PA RIN NG LGU ANG PUBLIC MARKET

CAUAYAN CITY- Iginiit ni City Mayor Atty. Sheena Tan na pagmamay-ari pa rin ng gobyerno ang Public Market ng Lungsod at hindi ito ibinebenta.

 

Ayon kay Mayor Tan, para sa kaligtasan ng lahat ay sumailalim sa demolition ang lockwell building 1,2, at 3 dahil noong huling quarter ng taong 2022 ay nakatanggap ng sulat ang Lokal na Pamahalaan ng Santiago mula sa BFP at nakasaad dito na fire trap na ang gusali.

 

Ibig sabihin nito ay maaaring magdulot ito ng pinsala o panganib sa mga tenant maging sa mga mamimili pag nagkaroon ng sunog.


 

Kaugnay nito, ipinaliwanag din ng alkalde na wala itong balak na ibenta ang Public Market dahil dumadaan ito sa masinsinang pagsusuri ng Sangguniang Panlungsod.

 

Bukod dito, nilinaw rin niya ang isyung papalayasin ang mga vendors kung saan inaantay na lamang ang contract of release na matagal ng inaantay ng mga nasa public market.

Facebook Comments