Friday, January 16, 2026

Atty. Torreon, wala pa ring hawak na kopya ng sinasabing warrant of arrest ng ICC laban kay Sen. Dela Rosa

Kinumpirma ni Atty. Israelito Torreon na wala pa rin siyang hawak na kopya ng sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay Atty. Torreon, tumatanggi pa rin ang Justice Department na bigyan siya ng kopya ng sinasabing arrest warrant dahil nasa Korte Suprema na ang nasabing kaso

Nanindigan din si Torreon na blangko siya sa kinaroroonan ni Dela Rosa.

Ito ay bagama’t may regular aniya siyang komunikasyon sa pamilya ng senador lalo na sa maybahay nito at mga anak.

Facebook Comments