Atty. Vic Rodriguez, opisyal nang inalis bilang executive vice president ng Partido Federal ng Pilipinas

Inalis na bilang executive vice president ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP ang partido politikal ni Pangulong Bongbong Marcos na si Atty. Victor Rodriguez.

Sa 10 pahinang desisyon ng PFP Executive Committee, binigyang diin na ang incompetency, notoriously undesirable public servant, conduct unbecoming at pagiging mapanganib sa partido ang naging batayan ng kanilang desisyon laban kay Rodriguez.

Itinalaga naman ng PFP na executive committee si Special Assistant to the President at senior political officer ng Office of the President ang kasalukuyang PFP national treasurer na si Antonio Ernesto Anton Lagdameo Jr., na kapalit ni Rodriguez bilang executive vice president ng PFP at member ng executive committee.


Nag-ugat ang reklamo ni Atty. Lino Dumas, PFP national legal officer laban kay Rodriguez sa pagtatalaga nito dati bilang general manager ng Philippine Ports Authority kay Christopher Pastrana na aniya ay questionable dahil may pagkakautang ang kompanya nito sa Department of Transportation (DOTr) na nagkakahalaga ng ₱132 milyon.

Bukod dito, marami umanong mga rekomendasyon for appointment ang PFP kay Rodriguez pero hinarang nito lahat.

Nagtangka pa umano si Rodriguez na palakasin ang kaniyang posisyon sa gobyerno nang bumalangkas ito at nagsumite kay Pangulong Marcos ng special memorandum order na lumilikha sa Office of the Presidential chief of staff na siya ang uupo taglay ang extraordinary powers na sasaklaw sa kapangyarihan ng Presidential Management Staff, Office of the Solicitor General, Office of the Presidential Legal Counsel, National Economic Development Authority at Office of the Executive Secretary.

Ayon sa reklamo, ang mga insidenteng ito na ginawa ni Rodriguez ay taliwas sa prinsipyo ng partido na corruption-free.

Kaya naman nawala aniya ang tiwala at kumpiyansa ng Partido kay Rodriguez.

Binigyan pa raw nila ng pagkakataong sumagot si Rodriguez sa mga alegasyon pero nanahimik ito at sagot.

Facebook Comments