Atty. Vic Rodriguez, pumalag sa pagsuspinde ng kaniyang official FB account

164

Tinawag ni Atty. Vic Rodriguez na digital terrorism ang ginawa ng Meta na pagsuspinde sa kaniyang official Facebook (FB) page.

Sa isang statement, binigyang diin ni Rodriguez na sinuspinde siya ng FB dahil konektado siya kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Aniya, di siya aapela sa Facebook dahil wala umano siyang nilabag.


Patuloy aniya ang gagawin niyang komunikasyon sa mga Filipino sa pamamagitan ng ibang porma ng available media na hindi naabot ng censorship at manipulation ng mga foreign platform provider

Facebook Comments