Cauayan City Sports Complex, Inaasahang Matatapos bago ang taong 2020!

Cauayan City, Isabela- Inaasahan na makapagsimula na ang mga atleta upang magsanay bilang paghahanda sa Cagayan Valley Regional Athletics Association sa ipinapatayong Sports Complex sa Lungsod ng Cauayan na punong abala rin para sa taong 2020.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Bernard Faustino Dy, City Mayor ng Lungsod ng Cauayan, aniya nasa mahigit 50 porsiyento na ang natatapos sa naturang pagpapatayo ng Sports Complex.

Gayunman, tiniyak pa rin ng alkalde na magagawa ito bago matapos ang taong 2019.


Dagdag pa ni Mayor Dy na isa sa mga dahilan ng pag antala ng paggawa ng naturang complex ay ang mga nakaraang pag uulan at ang mga materyales na magmumula pa sa bansang China.

Pagtitiyak naman ni Mayor Dy na magpapatuloy pa rin ang pagiging punong abala ng Lungsod para sa CAVRAA 2020.

Umaasa naman ang alkalde na mas marami pang kabataan ang mahubog sa larangan ng sports sa kabila ng pagpapatayo ng Cauayan City Sports Complex sa Lungsod.

Photo Courtesy: Proud Cauayeno Page
Facebook Comments