Auction ng bigas sa BOC ipinagpaliban muna dahil sa mga katanungan ng mga bidders

Nilinaw ni BOC District Collector Atty. Erastus Sandino Austria na ilan sa mga kadahilan kung bakit nadefer ang isinagawang auction ng  560 libong sako ng bigas ay dahil sa  floor price na 37 pesos kilograms kung saan nais ng mga bidders ay 17 lamang pero nanindigan ang BOC hindi masusunod ang mga  bidders dahil ang batayan nila ay ang kondisyon ng commidities.

 

Naantala ang isasagawa sanang bidding dahil  Kinuwestyon ni Atty. Salazar na  dapat ang mga interesadong bidders ay magparehistro muli, upang malaman ang kanilang pagnanais na sumali sa auction.

 

Ipinaliwanag naman ng Cash Division ng BOC  na ang dapat kwalipikadong bidders ay kinakailangang  magparehistro upang papasok sa Qualified bidders.


 

Matatandaan na noong May 24 taong kasalukuyan ang original na  auction pero kinansela at muling naischeduled sa May 27 nailathala naman sa mga  pahayagan.

 

Ipinaliwanag naman ni Atty. Arlyen Dimal  Pangan na  humihiling siya sa BOC na ikansela muna para mapag aralan muna ang isasagawang auction at kinumpirma naman ng BOC na natanggap nila ang sulat nito.

 

Umapela si Atty. Pangan sa Komite na mapakinggan ang kanyang kliyente dahil naniniwala si Atty. Pangan na makakaapekto sa kanyang kliyente ang anumang presyo ng bigas na iauction.

 

Facebook Comments