Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang augmentation fund para sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).
Sa inilabas na pahayag ng DBM, tiniyak nito sa publiko na mananatili ang kanilang commitment para sa availability ng pondo para masuportahan ang operasyon ng mga pampublikong pagamutan sa bansa, partikular sa paglaban sa COVID-19.
Ang pahayag ng DBM ay kasunod ng mga ulat na hindi nito inaprubahan ang hiling ng UP-PGH na pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) at hazard pay ng mga state hospital’s workers.
Noong Mayo, inilabas ang Special Allotment Release Order (SARO) na aabot sa P400 million para sa augmentation ng operational budget ng UP-PGH sa ilalim ng Republic Act no. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.