
Nagsagawa ng isang indignation rally ang iba’t ibang grupo, sa pangunguna ng August 21 Movement sa Scout Jamboree Memorial Rotonda sa Quezon City bilang protesta sa desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang articles of impeachment Laban Kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Volt Bohol, taga-pangulo ng August 21 Movement, kinokondena nila ang desisyon ng SC lalo na ngayong humaharap ang sambayanan sa epekto ng mga bagyo.
Ikinalungkot ng grupo na mas pinili ng mataas na hukuman ang teknikalidad sa halip na hustisya.
Isa aniya malaking dagok ang ipinakitang paglampas ng SC sa kapangyarihan nito lalo na sa isang kritikal na panahon.
Giit ni Bohol, ang Impeachment ang tamang proseso upang makita ang katotohanan.
Nang hadlangan aniya nito ang Senado na gampanan ang tungkulin sa prosesong iniaatas ng Konstitusyon nagkaroon ng panaggalang isang opisyal ng gobyerno na humaharap sa pananagutan.
Aniya, dapat magsama sama ang publiko upang igiit ang pagkakaroon ng transparency upang makamit ang hustisya.









