Friday, April 10, 2026

Undbundling ng oil prices at pagsasapubliko ng tubo, dapat ipatupad ng DOE sa oil companies

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio sa Department of Energy (DOE) na agarang ipasapubliko sa mga kompanya ng langis ang unbundling ng kanilang presyo at kung magkano ang kanilang tubo.

Hinala ni Tinio, nagsasagawa ng overpricing ang oil companies sa bansa dahil mas malaki ang itinaas ng lokal na presyo ng langis kumpara sa galaw ng presyo sa world market kahit bago pa ang pambobomba ng US sa Iran.

Nakakaalarma para Tinio ang lumalabas na systematic overcharging ng oil companies base sa Oil Monitoring Reports ng DOE mula October 2025 hanggang March 2026.

Ayon kay Tinio, lumalabas na sa loob ng nagdaang 18 linggo ay sobra ng average na 1.34 per liter ang presyo ng gasolina sa bansa, P1.90 per liter sa diesel, at P1.79 per liter ng kerosene.

Hindi rin katanggap-tanggap para kay Tinio na walang nilabas na weekly oil monitor reports ang DOE mula February 24 hanggang March 3, 2026 habang may tensyon sa Middle East.

Facebook Comments