Nagsasagawa na ng rescue operations sa mga lugar na binaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Auring.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 5,475 na katao o 1,410 na pamilya sa 40 barangay sa Davao at Caraga Regions ang apektado.
Ayon kay NDRRMC Media Liaison Easha Mariano, mayroong isinasagawang response operations sa Surigao del Sur at ilang lugar sa Surigao del Norte.
Prayoridad aniya ang rescue operation sa flooded areas.
Mula sa bilang ng mga apektadong residente, nasa 5,054 indibidwal o 1,397 families ang nasa evacuation centers habang 261 katao o 71 pamilya ay nananatili sa ibang lugar.
Bukod dito, 10,911 na katao o 3,162 pamilya ang lumikas agad para sa pre-emptive evacuations.
Facebook Comments