Umabot sa 4,246 na pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Tropical Storm Auring.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), aabot sa 75 vessels, isang motorbanca, 1,804 rolling cargoes ang stranded sa Northern Mindanao, Northeastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at Bicol Regions.
Nasa 94 vessels at 56 motorbancas ang hindi pinayagang bumiyahe.
Karamihan sa mga pasahero ay mula sa Eastern Visayas at stranded sa pantalan sa Liloan Ferry Terminal, San Ricardom, Sta. Clara, Balwarteco at Dapdap.
Facebook Comments