#AuringPH | Pamahalaan, mahigpit ang monitoring sa galaw ng bagyo – Palasyo

Pinakilos na ng pamahalaan ang mga kaukulang ahensya para ihanda ang mga tulong at payuhan ang mga residente sakaling kailangang lumikas dahil sa banta ng Bagyong Auring.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy na nakabantay ang Malacañang sa galaw ng bagyo at sa mga lugar tatahakin nito.

Aniya, ang National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang ahensya ay naghahatid na ng relief at assistance sa mga naapektuhan.


Nakiusap ang Palasyo lalo na sa mga residente na manatiling alerto at maghanda sa posibleng evacuation kapag ibinaba ng lokal na pamahalaan ang kautusan.

Ugaliin din aniya na alamin ang update sa lagay ng panahon.

Pagtitiyak ng pamahalaan na mayroong standby funds, relief goods at gamot para ipamahagi sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong standby funds na nagkakahalaga ng ₱1.2 billion habang ang Department of Health (DOH) ay mayroong ₱19.5 million na halaga ng gamot, medical supplies at health kits.

Facebook Comments