Manila, Philippines – Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aurora Ignacio bilang pinuno ng Social Security System (SSS).
Papalitan ni Ignacio ang nagbitiw na si Emmanuel Dooc.
Base sa appointment paper na may petsang March 28, pinangalanan ni Pangulong Duterte si Ignacio bilang bagong president at chief executive officer ng SSS.
Si Ignacio ay nagsilbing chairperson ng Social Security Commission, ang policy-making body ng SSS.
Naging assistant secretary sa ilang special projects si Ignacio sa Office of the President.
Noong July 2017, itinalaga siya bilang “focal person” ng kampanya kontra ilegal na droga ng Duterte administration.
Facebook Comments