Australia, aprubado na ang paggamit ng Remdesivir bilang gamot kontra COVID-19

Aprubado na sa Australia ang Remdesivir bilang gamot sa COVID-19 nitong Biyernes, July 10, 2020.

Ayon sa Therapeutic Goods Administration (TGA) ng nasabing bansa, ito ay para mapabilis ang paggaling ng mga nagpositibo sa nasabing sakit at mabigyan naman ng atensyon ang mga kasalukuyang nakakaranas ng sintomas nito.

Magkakaroon ng provisional approval sa mga nasa tamang edad maging sa mga teenager sa kanilang pag-inom habang limitado naman ito sa mga malubha ang kalagayan, mga nahihirapang huminga at kinakailanagan ng hospital care.


Sa ngayon ay ito ang pinakaunang gamot na inaprubahan ng mga otoridad sa Australia para makontrol ang nasabing sakit.

Facebook Comments