Nagpahayag narin ng interes ang Australia at Japan na lumahok sa joint maritime patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar ito’y kasunod ng pahayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na pinaplantsa na ang plano para makasama sa nasabing aktibidad ang iba pang mga bansa.
Sinabi pa ni Aguilar na habang maraming bansa ang nagpahayag ng suporta sa posisyon ng Pilipinas sa pagtatatguyod ng international law sa West Philippine Sea, wala naman ni isang bansa ang kumikilala sa labis-labis na pag-aangkin ng China sa nasabing karagatan.
Aniya, ang iresponsable at agresibong aksyon ng China sa pinag-aagawang karagatan ay hahahantong sa global isolation ng China.