Australia, nababahala na rin sa namumuong tensyon sa West PH Sea

Nakiisa na rin ang Australia sa international community na naghayag ng pagkabahala sa namumuong tensyon sa South China Sea.

Ito ay kasunod ng pamamalagi ng nasa 200 barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Ayon kay Australia Ambassador to the Philippines Steven J. Robinson,  ang South China Sea ay isang international gateway at sakop ito ng international rules at norms, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Aniya, ang ‘destabilization’ na nangyayari sa karagatan ay posibleng lumala.

Suportado ng Australia ang isang “secure,” “open,” at “inclusive” na Indo-Pacific Region.

Una nang naghayag ng pagkabahala ang Estados Unidos at Japan sa presensya ng mga barko ng China sa bahura ng Pilipinas.

Facebook Comments