Australia, nagbigay na rin ng tulong sa Pilipinas kaugnay sa bakbakan sa Marawi City – dalawang surveillance plane, gagamitin ng militar

Manila, Philippines – Tinanggap ng Pilipinas ang alok ng Australia na dalawang aircraft bilang suporta sa militar sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Australian Minister for Defense Senator Marise Payne – ipagagamit sa Afp ang Australian defense force AP-3corion aircraft bilang surveillance support sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo na maituturing na banta sa buong rehiyon ng Asya.

Kasabay nito, kinondena ng gobyerno ng Australia ang pag-atake ng Daesh inspired groups sa Marawi City.


Sa Mindanao hour sa Davao City – nilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kahit, tinanggap na ng Pilipinas ang tulong ng ibang bansa laban sa Maute, ang gobyerno pa rin ang mangunguna sa paglaban sa banta ng terorismo.

Una nang ikinasa ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia ang isang trilateral cooperation para sa plan of action kontra terorismo.

Facebook Comments