Australia, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea

Natuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ipinakitang suporta ng Australia sa Pilipinas patungkol sa isyu sa South China Sea.

Sa intervention ni Pangulong Marcos Jr., sa 3rd ASEAN Australia Summit sa Jakarta, Indonesia na dinaluhan mismo ni Australian Prime Minister Anthony Albanese, kasama ang ilang head ng ASEAN member countries, sinabi ng pangulo na welcome sa Pilipinas ang ginagawang aktibong engagement ng Australia sa maritime related issues at concerns sa rehiyon.

Maliban sa suporta sa isyu sa South China Sea, natuwa rin ang pangulo sa tulong ng Australia sa ASEAN sa edukasyon, kalusugan, defense at digital transformation.


Nagpasalamat rin ang pangulo sa suporta ng Australia sa Pilipinas sa pag-host ng 12th ASEAN Maritime Forum at ng 10th Expanded Maritime Forum na ginanap sa Maynila noong nakaraang buwan ng Disyembre.

Facebook Comments