Naglabas rin ng travel advisory ang Australia sa mga mamamayan nito na planong magpunta sa bahagi ng Mindanao dahil sa mataas na banta ng terorismo at kidnapping.
Ito ay kasunod ng nangyaring pagsabog sa shopping mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng 34 katao.
Batay sa inilabas na advisory ng Australia’s Department of Foreign Affairs and Trade, pinaiiwas nila ang kanilang mamamayan na pumunta sa Central at Western Mindanao gaya ng Zamboanga Peninsula, bahagi ng Sulu archipelago at Southern Sulu Sea.
Pinapayuhan rin nila ang kanilang mamamayan na irekonsidera ang pagpunta sa Eastern Mindanao at maging alerto kapag bumiyahe sa Pilipinas.
Facebook Comments