Australia, posibleng isama na rin sa strategic cooperation ng Pilipinas, Japan at Amerika

Posibleng isama na rin ang Australia sa strategic cooperation ng Pilipinas, Japan at Amerika.

Sa ginawang security talks ng Pilipinas at Japan, tinalakay ang pagpapalawak ng trilateral cooperation para sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng kolaborasyon ng apat na bansa para sa pagsusulong ng malaya at bukas na indo-pacific, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maritime cooperative activities.


Matatandaang nauna nang nagkasundo ang defense chiefs ng apat na bansa sa pagsasagawa ng mas marami pang maritime military drills, kasunod ng ginawang maritime cooperative activity sa South China Sea noong Abril.

Samantala, magkasama namang kinondena ng Pilipinas at Japan ang mga naging agresibong aksyon ng China sa Ayungin Shoal.

Mariin ding tinutulan ng dalawang bansa ang anumang tangkang pagbabago sa mapayapang status quo sa pamamagitan ng pagpwersa o pamimilit na hadlang umano sa freedom of navigation at supply lines at nagpalala ng tensyon.

Facebook Comments